Abante Tonite Interactive

Libido ng female personality sinusukuan ng mga dyowa

By
3,147

MAHALAY pag-usapan ng mga kalalakihan ang mga nakaraan nilang karanasan sa piling ng kanilang ex. Hindi maganda ‘yun sa panlasa lalo na kung may mga babaeng nakakarinig sa paligid.

Pero ang kuwento ay lumalabas kapag nahaha­luan na ng alak ang sitwasyon. Alam ng umiinom ang kanyang mga sinasabi, pero mas nagi­ging madulas ang kanyang dila, pampakapal din ng mukha ang inuming nakakalasing.

Kuwento ng aming source, “Sobra pala ang init ng katawan ng isang female personality! Kaya pala lahat ng nakarelasyon niya, e, nagsasabing suko silang lahat sa libido ng girl!

“Wala siyang pinipiling oras, basta nakaramdam siya ng init ng katawan, kailangang masuplayan siya ng partner niya! Kapag hindi siya pinagbigyan, e, nananakit siya or ang sarili niya mismo ang sasaktan niya!

“Kaya pala hindi nakatagal sa kanya ang isang male performer, ang isang kilalang athlete, saka ang isang guwapong aktor!” manghang-mangha na kuwento ng aming impormante.

Hindi na bagets ang babaeng pinag-uusapan sa istoryang ito, lampas na ang kanyang edad sa kalendaryo, pero ang kanyang sexual urge ayon sa aming source ay napa­kaaktibo pa rin.

“Ewan kung trip lang niya, pero kung kailan may work ang partner niya, e, saka naman siya du’n umeeksena! Nu’ng malapit nang mag-perform ang male singer, saka siya nagyaya!

“Ayun, malapit nang kapusin sa hangin ang male performer nu’ng nasa stage na, kasi nga, pinagod siya ng girl sa mismong dressing room nu’ng malapit nang kumanta ang boyfriend niya!

“E, ano naman ang nangyari sa BF niyang athlete nu’ng championship pa naman ang laban na hinarap niya? Kinapos din ang lalaki, halos hindi na makatalon, halos hindi na makapag-dribble at makapag-shoot, kasi nga, una na siyang nagpa-shoot!

“Sinasadya yata niya ang ganu’n, e! Kung kailan kailangan ng pahinga ng partner niya, saka naman siya umaariba! Nakipag-break sa kanya ang singer, ganu’n din ang naging choice ng player, hindi nila kayang rasyunan ang napakainit na libido ng girl!” tawa pa nang tawang kuwento ng ­aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Bong tatlong taon bago nagka-hearing

SA kahit anong sitwasyon ay napakahalaga ng presensiya ng pamilya. Lalo na sa matitinding pagsubok, gaano man kabigat ang krus ay gumagaan, dahil may pamilyang nagmamalasakit at nagmamahal.

Kung mahina-hina lang ang loob ni dating Senador Bong Revilla, Jr. ay matagal na siguro siyang sumuko sa laban. June 20, 2014 nang kusa siyang sumuko sa ibinabatong bintang sa kanya, ikinulong siya sa PNP Custodial Center, kung saan niya nakasama ang kanyang kaibigang karnal na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Pero ang pagdinig sa kanyang kaso ay nagsimula lang nu’ng June 21, 2017, tatlong taon at i­sang araw mula nang siya’y makulong, nakapanghihina naman talaga ng kalooban ang ganu’ng senaryo.

Paano niya maaasahan ang hustisya kung hindi naman umaandar ang pagdinig sa kasong ipinaaangkin sa kanya? Tatlong taon muna ang kailangang palipasin bago ang unang hearing?

Napakabagal pa naman­ ng oras sa loob ng kulu­ngan, papasikat pa lang ang araw ay gusto mo nang lumubog, para bawas na araw ‘yun sa pa­nanatili mo sa loob.

Mabuti na lang talaga at hindi nagpapabaya ang pamilya ng aktor-pulitiko, ang kanyang misis at ang kanilang mga anak at apo, ang mismong mga kapatid ni dating Senador Bong.

Pero hindi siya bumi­bitiw sa pag-asa na isang araw ay matatapos din ang lahat, muling bu­buksan ang naka­­kandadong pintuan para sa kanyang lubusang paglaya, lalo na’t hanggang ngayon ay wala pa rin namang napatutunayang nagka­sala siya sa batas.