Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libingan kulang na sa Cebu City

0 487

Gumagawa na ng paraan ang lokal na pamahalaan ng Cebu para magkaroon ng public cemetery na magiging sagot sa kakulangan sa burial site para sa tumaas na bilang ng nasawi, may kaugnayan man sa coronavirus o sa iba pang dahilan.

Noong Biyernes, nagpasa ng resolusyon ang City Council para sa pag-request sa Department of Health at Housing and Land Use Regulatory Board para mapabilis ang proseso ng pagbubukas ng pampublikong sementeryo.

Ayon kay Councilor David Tumulak posibleng magkaroon ng public crisis kung made-delay ang pagsasagawa ng Cebu City Public Cemetery.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa huling tala ng Cebu City Health Department mayroon nang 156 na nasawi dahil sa COVID-19.

“Given this 12-hour period requirement for burial, funeral parlors are recently always at full capacity in terms of funeral services. Adding to this problem is the high cost of cremation for dead bodies that families of the deceased opt for their dead to be buried,” sabi ni Tumulak.

Puno na umano ang mga public cemetery sa lungsod na pinapamahalaan ng Archdiocese of Cebu. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.