Abante Tonite Interactive

Libo-libong walang trabaho nabiyayan sa NEUAAI grand job fair

2,076

Matagumpay na nai­daos ng New Era University Alumni Association Incorporated (NEUAAI) ang kanilang kauna-una­han at pinakamalaking job fair sa bansa noong Sabado sa NEU School of Management building sa Central Avenue, New Era sa lungsod ng Quezon.

Ang naturang job fair ay pinangunahan ng ­pangulo ng NEUAAI na si Atty. ­Randy ­Escolango kung saan sinabi nitong nasa 50,000 ­bakanteng ­posisyon ang ­inaasahang pupunuin ng mga ­kuwalipikadong ­aplikante na ibinigay ng nasa 200 kumpanya.

Nasa libo-libong mga aplikante kabilang ang may mga kapansanan o ang People with Disabili­ties (PWD’s) ang nabigyan agad ng trahabo.

Ayon kay Escolango, isinagawa ang naturang job fair dahil na rin sa nais ng NEUAAI na maging ­bahagi sila sa nais pang mapaunlad at ­mabigyan ng trabaho ang ating mga kababayan sa ikadaragdag ng pag-asenso ng ­ekonomiya ng bansa.

“This job fair is our way of helping our Alma Mater as well as the many Filipinos who want an opportunity for a better life, specially to the PWD’s,” pahayag ni Escolango.