Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libong pamilya binaha sa Samar

0 61

LIBU-libong pamilya ang naapektuhan sa walang tigil na pag-ulan sa Eastern Samar, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO)

Sinabi ni Ma. Josefina Titong, ng PDRRMO Eastern Samar, matinding tinamaan ng baha ang munisipalidad na Dolores, Oras, Sulat, Arteche, Can-Avid, Jipapad, Maslog at Maydolong.

SM food to go Banner Ad

May mga nangyari na ding landslides sa Eastern Visayas.

Sa ulat ng PDRRMO, nasa 360 pamilya ang evacuees sa Maslog; 2,518 sa Dolores; 234 sa Can-Avid; 162 sa Sulat; 674 sa Taft; 18 sa Borongan; 164 sa Jipapad; 1,106 sa Arteche; habang 303 sa Maydolong. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.