Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libong POGO employee hindi makabalik ng bansa

0 278

Libu-libong mga manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na nakatira sa Multinational Village sa Paranaque City ang kasalukuyang stranded sa kanilang bansa at bigo pang makabalik ng bansa.

Ito ang inihayag kahapon ni Arnel Gacutan, pangulo ng Multinational Village Homeowners Association Inc. (MVHAI), nang mapag-alaman nilang bakante pa rin hanggang sa ngayon ang mga bahay at condo unit ng inuupahan ng mga POGO employee na karamihan ay mga Chinese.

Ayon kay Gacutan, himigit 2,000 ang mga empleyado ng POGO ay hindi makabalik ng Pilipinas dahil na rin sa pagpataw ng gobyerno ang isang pambansang lockdown noong Marso ng dahil sa coronavirus disease 2019 outbreak.

Simulang dumami ang mga Chinese national na nakatira sa loob ng Multinational Village na umabot ng halos 5,000, matapos pinahintulutan ng pamahalaan ang pagpapatakbo ng operasyon ng POGO noon 2016.

Batay sa pinakahuling isinasagawa headcount ng MVHA, mayroon na lamang halos 1,300 na Chinese ang naiwang nanirahan sa subdivision nitong buwan ng Hunyo dahil sa pagsuspinde ang visa na walang pribilehiyo ng mga dayuhan bilang isa ring pag-iingat corononavirus.

Dagdag pa nin Gacutan, na halos 106 na bahay at mga commercial building ang inuupahan ngayon ng mga Chinese national at yung mga bahay at condo unit na naiwan ay binabantayan ng mga Pilipinong tagapag-alaga sa nalaipas na limang buwan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.