Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libreng antigen test, agarang contact tracing hirit ng Act As One

0 200

Muling nanawagan sa pamahalaan ang party-list group na Act As One Philippines (Act As One) para sa agaran, malawakan at libreng antigen tests sa mga mamamayan ngayong muling sumisipa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kasabay nito, umapela ang naturang health and social justice advocacy group na magsagawa rin ang pamahalaan ng epektibo at malawakang contact tracing upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng sakit.

Ayon sa Act As One Party-list, malaki ang maitutulong ng agaran at malawakang contact tracing at pagbibigay ng libreng antigen tests lalo na sa mga lugar na nakapagtala ng maraming bagong kaso ng COVID-19.

SM food to go Banner Ad

“Bukod sa paghihigpit sa alert level at pagpapatupad sa minimum health and safety protocols, mahalaga ang malawakang contact tracing sa mga lugar na may bagong kaso ng COVID-19 para sa ‘prevention and control’ ng sakit. Wala ring dahilan para hindi ma-detect agad ang sakit kung magbibigay ang gobyerno ng libreng antigen test sa publiko,” ani Atty. Reynold Munsayac, first nominee ng Act As One Party-list.

Dagdag pa niya, tugon din ang nasabing panawagan para makontrol ang pagsipa ng bilang ng mga bagong kaso, ayon na rin sa inilabas na pagtaya ng University of the Philippines Pandemic Response Team.

Leave A Reply

Your email address will not be published.