Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libreng bakuna huwag igaya sa SAP – VP Leni

0 67

Nanawagan si Vice President Leni Robredo na bumuo na ng listahan ng mga indibiduwal na prayoridad sa bibigyan ng libreng bakuna kontra COVID-19.

Sa kanyang radio program na “BISErbisyong Leni”, sinabi ni Robredo na sang-ayon siya na mauna ang mga healthcare worker at mahihirap na komunidad para sa bakuna.

Ngunit dapat aniyang tukuyin na ang mga bibigyan ng bakuna para hindi ito matulad sa kaguluhan sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP)

“Ang suggestion ko, pangalanan na. Hindi lang `yong nakasulat na reprioritization. Halimbawa, healthcare workers. Alam na natin kung ilan na sila, sino sila, para `pag dumating, meron nang recipient,” ani Robredo.

“Huwag na `yong nangyari sa social amelioration na halimbawa nagkaroon pa ng problema on the ground sa listahan ng mga recipient kasi hindi pa ready,” aniya pa. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.