Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libreng COVID test ilarga na!

0 78

Iginiit ni Partido Reporma presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson na dapat nang ilarga ng gobyerno ang libreng COVID-19 testing program dahil bahagi ito ng serbisyong dapat ibigay sa mga tao.

Walang problema para kay Lacson kung kayang gumastos ng ilang tao para magpa-COVID test subalit ibang usapan naman aniya para sa mga ordinaryong empleyado na may iba pang pagkakagastusan kung kaya’t dagdag pasanin sa kanila ang magbayad para sa virus test.

“The testing should really be made free, of course, especially to the ordinary employees. If some people have the wherewithal to pay for it, by all means, let them pay. But to those who we know would rather spend money on other things, the daily wage earners, let’s offer it for free,” sabi ng senador.

Kinalampag din ni Lacson ang national government para himukin ang pribadong sektor at mga lokal na pamahalaan para tumulong sa pagkakaloob ng libreng COVID test sa harap na rin ng sumisirit na mga bagong kaso ng coronavirus sa bansa.

Ibinahagi pa ni Lacson na nakatanggap ng impormasyon ang kanyang opisina mula sa publiko kaugnay sa mataas na presyo ng RT-PCR test.

“The price range for testing is quite expensive. The swab test costs around P3,700 when conducted in a private setting. If you fall in line, of course, you get a much cheaper rate. But we know not all of our countrymen have extra money to pay for it,” sabi ni Lacson.

Kung kaya’t makabubuti aniya kung maging katuwang ng pamahalaan ang mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor na nakahanda rin namang tumulong para sa libreng COVID test.

Samantala, kinalampag din ni Lacson ang mga diagnostic testing center at mga laboratory na nagpoproseso ng COVID test na ipabatid sa kanilang mga kliyente ang estado at resulta nito.

Ito’y para hindi naman aniya ma-stress pa sa paghihintay ng COVID test result ang mga tao katulad ng nangyari sa kanila ng kanyang misis.

Kasalukuyan pang naka-home quarantine si Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.