Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libreng COVID testing sa Maynila dinagsa

0 283

Magiging full blast na ang operasyon ng ikalawang libreng drive-thru COVID 19 testing center sa Independence Road sa harap ng Quirino Grandstand Maynila matapos ang dry rin operation nito kahapon.

Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco Domagoso ang pagsisimula ng operasyon nito na dinagsa ng mga motorista.

Ang libreng COVID 19 ay hindi lamang para sa residente ng Maynila kundi maging sa mga nasa labas ng Maynila, kasama na ang. mga pedicab, motorcycle at iba pang three wheels na sasakyan.

Kayang makapag-test ng hanggang 700 katao ang bagong drive -thru testing habang ang unang drive -thru tesring site na nasa tabi ng Manila City hall ay kayang mag-test ng hanggang 200 motorista.

Bukas ang nabanggit na mga drive-thru testing center alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Ang machine na mag-aanalisa ng blood sample ang Architect plus i1000 SR machines na gawa ng Abbott Laboratories. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.