Abante Tonite Interactive

Libreng gamot handog ng Marikina, Botika ng Bayan

0 122

Bukas na ang kauna-unahang Botika ng Ba­yan (BnB) mula sa Department of Health (DOH) na naglalayong makapagbigay ng lib­reng gamot para sa mga na­ngangailangan na makikita sa ikaapat na palapag ng Marikina City Health Office.

Pinangunahan nina Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro at DOH Undersecretary Enrique ‘Eric’ Domingo ang naganap na inagurasyon ng BnB sa Metro Manila, Martes nang umaga.

“Salamat ho sa DOH kasi pino-provide niyo ang health care. Noon pa ay katuwang na natin ang DOH sa mga bakuna, sadyang mala­king tulong ang nabigay nila sa atin. Naniniwala kami rito sa Marikina na need talaga ma-prevent ang sakit,” ayon kay Mayor Teodoro.

Nilinaw pa ng alkalde ang kahalaga­han ng pagkakaroon ng health services para sa mga pamilyang Pili­pino kung saan isang mabi­gat na suliranin sa bawat pamilya kapag may sakit ang kaanak.

“Ang pamilyang Pinoy ay magaling mag-budget, resilient siya by nature, ang problema saan pupunta kung may nagkasakit. Kadalasan sa health centers, reseta lang ang binibigay, walang gamot. At saan-saan kukuha ng gamot, nakapila sa ma­yor, vice mayor at lahat ng puwede mahingan.

Matagal mabi­gay, magaling na ang sakit wala pa ang gamot. Natuwa ako noong marinig ko kay Pres. Duterte ang Universal Health Care or UHC. Totoo, nang mari­nig ko ‘yun two years ago pinaghanda namin talaga through a service delivery network,” paliwanag ni Mayor Teodoro. (Vick Aquino)