Abante Tonite Interactive

Libreng gamot sa mahihirap, isabatas

By
1,059

Ipinupursige ni Quezon City Rep. Alfred ­Vargas ang pagsasa­batas ng panukala na magkakaloob ng libreng ­gamot sa mga kapus-palad na Pinoy.

Ang libreng medisina ay magiging available sa lahat ng medikal na pa­silidad ng gobyerno.

Inihain ng solon ang House Bill 3753 o “Free Medicine for the Poor Act” bilang suporta sa Libreng Gamot Para sa Masa (Lingap) ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ni Vargas, vice chairman ng House committee on appropriations, na isa sa mga paraan para mapa­ngalagaan ang kalusu­gan ng mahihirap na pamilyang Pinoy ay ang pagkakaloob sa mga ito ng maluwag na access sa mga kinakailangang gamot para sa iba’t ibang karamdaman.

Binanggit ng kongresista na base sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), 33 porsiyento lamang ang avai­lable na abot-kaya, ligtas at may kalidad na medisina sa mga ospital na pinatatakbo ng gobyerno partikular sa mga low income na bansa gaya ng Pilipinas.

“Most of the time, these medicines are unavailable, non-accessible and unaffordable for our poor kababayans, especially in the provinces,” pahayag ni Vargas.

Maraming gamot ­aniya na saklaw ng PhilHealth ay kadalasan naman na hindi available sa mga authorized outlet.
“Thus, many low-income patients are either left untreated or faced with high out-of-pocket expenses for medicines,” dagdag nito.

Pakay ng panukala ni Vargas na magkaroon ng madaling access ang mga “can’t afford” na ­Pinoy sa libreng ­gamot sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “free medicine assistance program” sa lahat ng ospital ng gobyerno at medical facilities.

Kabilang sa mga ito ang government district hospital, local health unit at barangay health center sa lahat ng lungsod at munisipalidad.

“Through this, we are giving the less-fortunate better chances of survi­val from curable ailments, thereby improving their health and overall well-being,” ayon pa kay Vargas.

Ang Libreng Gamot Program ay alay lamang sa mga kuwalipikadong mahihirap na sinertipikahan ng barangay at Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Aries Cano)