Abante Tonite Interactive

Libreng Halloween activities sa Rizal Park

294

May inihandog na libreng ‘Halloween special’ para sa publiko partikular na sa mga bata ang National Parks Development Committee (NPDC) sa Rizal Park na magtatapos ngayon araw.

Ayon kay NPDC executive director Penelope Belmonte may temang ‘Rizal Park Halloween Special’ ang naka-set up na Halloween special.

Ayon kay Belmonte ang mga bata na may edad 13 pababa ay kinakailangan na samahan ng kanilang mga guardian.

Kabilang sa mga matutunghayan ang mga horror film, makeshift na sementeryo at mga creepy figure tulad ng ‘Sadako’.

Gayunman, sinabi ni Belmonte na ang mga may edad na may sakit sa puso ay maaring pumasok pero walang pananagutan ang NPDC.