Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libreng internet connection sa mga Antipolenyo pinakabit

0 200

Upang mabigyan ang mga Antipolo LGU personnel, lalo na ang mga residente ng siyudad ng mas matibay, ligtas at tuloy-tuloy na koneksyon sa WiFi para maisagawa ang pang-araw-araw na gawain, nakipag-alyansa ang Antipolo City Government sa Globe Telecoms para sa libreng GoWiFi at Automated Mobile Blaster service sa mismong tanggapan ng Lokal na Pamahalaan at sa ilang piling medical facilities.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares malaking tulong na mapanatiling konektado ang magkakapamilya, at maiparating ng LGU ang mahahalagang impormasyon sa mga residente.

“We are thankful to Globe for powering Antipolo with these life-enabling tools and innovations so our residents are able to live and even thrive in the new normal,” sinabi ni Mayora Ynares.

Bukod sa Antipolo City Hall, ang mga residente ay maaring kumunekta sa libreng GoWiFi services sa mga ospital sa Antipolo tulad ng Rizal Provincial Hospital Padilla, Rizal Provincial Hospital Dalig, Rizal Provincial Mambugan.

Bukod sa GoWiFi, sinabi ni Mayora Ynares na naglagay din ng AMBER, na siyang magagamit ng LGU para magpakalat ng mahalagang impormasyon sa mga residente tulad ng community announcements at updates sa vaccination program.

Para makakonekta sa GoWiFi, kailangan lang ng mga residente ng Antipolo na buksan ang settings sa Wi-Fi-enabled device, at saka kumonekta sa SSID “@FreeGoWiFi” o sa “@_FreeGoWiFi.”

Kailangan lang na mag-register at maghintay ng SMS verification sa pagpili ng a WiFi offer. Matapos nun ay maari nang mag-internet.

Leave A Reply

Your email address will not be published.