Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libreng online konsulta sa Makati

0 243

Hindi na kailangang lumabas pa ng bahay para komonsulta sa mga pagamutan ang mga taga-Makati City dahil ilulunsad ngayong araw ang libreng online medical consultation mula sa hanay ng mga doktor sa Ospital ng Makati (OsMak).

Gamit ang bagong virtual health care service na ‘OsMak e-Consult’, maaari nang komunsulta ang mga taga-Makati sa mga sumusunod na araw: Lunes, medical at surgey clinic; Martes, pediatrics at OB-gynecology clinic; at Miyerkoles, sa Ear, Nose and Throat-Head Neck Surgery (ENT-HNS) opthalmology at dermatology clinic. Itinakda naman ang araw ng Huwebes para sa family medicine at physical and rehabilitation medical clinic.

Pinayuhan din ni Mayor Abby Binay ang mga residente na bisitahin ang econsult.ocmak.gov.ph o bisitahin ang official Facebook page ng Makati City government para sa mga impormasyon. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.