Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libreng sakay ng DOTr, LTFRB binalik

0 41

Muling umarangkada ang Service Contracting Program (SCP) ng Depart­ment of Transportation (DOTr) at Land Transpor­tation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagkakaloob ng libreng sakay para sa mga front­liner sa bansa.

Ipinagpatuloy kasi ng DOTr at LTFRB ang Phase II ng SCP na inilunsad noong Setyembre 10, 2021.

Ayon sa DOTr, dahil sa pagpapatuloy ng programa na ngayo’y sa ilalim ng P3 bilyong pondo na bahagi ng General Appropriations Act 2021, balik-operasyon na rin ang libreng sakay, na pakikinabangan ng milyon-milyong health and medi­cal frontliner, essential worker, at authorized per­sons outside of residence (APOR).

“Masaya kaming ini­lulunsad ulit ang SCP Phase II pagkat ito ay mabuti sa lahat, mabuti sa sambayanan, mabuti sa ekonomiya, mabuti sa paglago ng negosyo (sa tinatawag na ‘new nor­mal’),” ani DOTr Secretary Arthur Tugade.

Mas pinalawig din nila ngayon ang libreng sakay dahil hindi na lamang ito isasagawa sa Metro Manila – sakop na rin ng programa ang iba’t ibang rehiyon at lugar sa bansa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.