Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libreng sakay sa mga ‘essential worker’ ikinasa

0 331

Pagkakalooban ng libreng sakay ng Department of Transportation (DOTr) ang mga ‘essential workers’ at iba pang awtorisadong lumabas ng kanilang tahanan habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) na sakop ng NCR Plus.

Ayon sa DOTr, kailangan lamang na magpakita ng kanilang government or company ID ang mga kawani o empleyado upang makapag-avail ng libreng sakay sa 44 ruta sa Metro Manila at karatig lalawigan, upang matugunan ang nararanasang paghihirap ng mga commuter gaya ng nangyari sa unang pagpapatupad ng ECQ.

“The service is available from 4 a.m. up to 10 p.m., batay sa anunsiyo ng DOTr.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Undersecretary for Road Mark Steven Pastor, ang public utility vehicle operator, na gagamitin sa ‘service contracting program’ ay babayaran ng gobyerno ng P46.8 kada kilometro sa ilalim ng Bayanihan Act 2.

Ang reaksiyon ng DOTr ay makaraang makita ang paghihirap na dinanas ng mga commuter na bandang alas-tres pa lang ng madaling-araw ay dagsa na ang mga mananakay sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.