Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libreng sakay sa MRT, LRT, PNR pinalawig

0 51

Libre ang sakay hanggang Setyembre 7 sa mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) para sa mga bakunadong authorized persons outside of residence (APOR) na bibiyahe.

Ayon sa pamunuan ng Department of Transportation, ang mga bakunadong APOR lamang ang mabibigyan ng pinalawig na libreng sakay sa mga tren.

Libre ang sakay sa MRT-3 at LRT-2 tuwing peak hours mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi, at sa PNR ay tuwing off-peak hours o alas-4:00 ng madaling-araw hanggang alas-6:00 ng umaga at alas-4:00 ng gabi hanggang alas-7:00 ng gabi.

Pinalawig ang extension ng libreng sakay sa ilalim ng modified enhanced community quarantine sa National Capital Region.

Para makalibre sa sakay sa MRT-3, LRT-2, o PNR, dapat lang ipakita ang kanilang vaccination card, at ID na sila ay APOR. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.