Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libreng swab test tuloy sa Maynila

0 49

Tuloy pa rin ang pagbibigay ng libreng COVID-19 swab test ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pub­liko maging sa mga hindi residente ng lungsod.

Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno kaya lamang ay nag­bago na ang mga contact number na maaaring tawagan ng publiko.

Maaaring tawagan ang Ma­nila Emergency Operation Center (MEOC) para sa libreng RT-PCR swab test sa cellphone numbers na 0960-822-9384, 0977-729-7572, 0915-065-6335, 0961-628-1414, 0961-062-7013, 0968-438-9304 o 0995-496-6176 para makapagpare­histro sa libreng swab test.

Sinabi ng alkalde na sa ilalim ng pagsubaybay ni MHD chief Dr. Poks Pangan, 100 katao kada linggo ang nabibigyan ng libreng RT-PCR testing sa drive-thru sa Quirino Grandstand. Nagsisimula ang free testing kada Lunes at nagtatapos kada Biyernes.

Bukod pa ito sa libreng swab test at antigen test na ibinibigay sa Del­pan Quarantine Facility at Sta. Ana Hospital. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.