Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libreng tax sa mga election worker pinabilisan

0 42

Umapela si House Assistant Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa Senado na agad ipasa ang panukala upang maging malibre sa buwis ang honoraria at allowance ng mga election worker.

Ayon kay Castro, hindi dapat hayaan na muling mabuwisan ang matatanggap ng mga guro at iba pang magseserbisyo para sa 2022 elections.

Inaprubahan na ng Kamara ang panukala noong Agosto 23, 2021 at hinihintay ang Senado na magpasa ng kaparehong panukala.

SM food to go Banner Ad

“Imposing tax on the honoraria and allowances of election service volunteers destroys the spirit and intent of the Election Service Reform Act, which is to compensate the hardships of persons rendering election service. They must therefore enjoy the compensation in full and not bear additional burdens,” paliwanag pa ni Castro.

Bago ang 2018 ay hindi binubuwisan ng gobyerno ang honoraria at allowance na tinatanggap ng mga nagseserbisyo sa halalan.

Kinalampag ni Castro ang mga kapwa mambabatas sa Senado na para maipasa na ang panukala upang maging epektibo sa darating na halalan. (Billy Begas)/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.