Abante Tonite Interactive

Libreng tiket kapalit ng sex kay controversial player

By
2,551

Ay, mainit-init pa sa kape ang tsismis na aming nasagap kaugnay nang tila mala-kunehong appetite ng isang kilalang basketball player na kontrobersiyal kamakailan lamang.

Pabuluso raw ang naturang player nang mamigay ito ng mga libreng ticket para sa show ng isang internationally renowned artist na dumayo sa bansa for a 2 night concert.

Meron nga lang catch sa tsika. Exclusive lang sa mga babaeng magaganda na naglambing sa natu­rang player ang mga libreng ticket.

Pero mas bongga ang clincher ng tsismis dahil kailangan umanong sa mismong inupahang private suite na malapit sa venue dapat kunin ng magagandang babae ang mga ticket.

Meron daw mabilis at agad na lumalabas ng naturang room ni player, at meron ding inaabot ng oras bago umalis ang mga babae, mereseng ma-late sa concert.

At meron din umanong hindi na lumabas ng room kahit tapos na ang show ng foreign artist dahil sa second night na ito pinapanood ni player and yes, meron pa rin daw nagpaiwan sa suite ni player na good for five days pala ang inupahang private room.

O ang yaman ‘di ba? At malakas ang resistensya niya hahahahahaha!