Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libreng virus check hiling ng mga taga-DSWD

0 137

Pinasasagot ng mga empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamahalaan ang COVID-19 testing nila pati na ang pagpapagamot sa sakaling mahawa matapos magpositibo sa sakit ang 150 sa kanila.

Ang DSWD ang nakatoka sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) para sa mga mahihira na pamilya.

SM food to go Banner Ad

Nakaaalarma na ang mga taong namamahagi ng SAP ang nagkakasakit, sabi ni Social Workers Employees’ Association of the Philippines (SWEAP-DSWD) national president Alan Balaba dahil lantad sila sa sakit habang nag-iikot at sila rin ang maaaaring magkalat ng virus.

“We have seen this tragedy even before it unfolds—the outbreak within our ranks could have been avoided if testing, treatment, and isolation were done free of charge among employees,” sabi ni Balaba. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.