Abante Tonite Interactive

License to ferry passengers

0 319

Mukhang may problema sa paraan nang pagkuha ng mga driver ng mga transport service gaya ng Grab. Actual­ly, hindi lang Grab.

Isama na natin ang lahat ng mga public utility driver. Hindi pinakuha ng psychological exam.

Ang requirement kasi, basta may kotse sa TNVS, at maru­nong magmaneho sa mga PUV, ayos na. Puwede nang magdala ng pasahero.

Immediate-Hiring-Ads

‘Yan ‘yung tipo ng negosyo na basta magkapera na lang nang mabilisan at walang pakunda­ngan sa kaligtasan ng mga pasahero.

Maaaring sabihin ninyo na requirement na kasi sa driver’s license ang psychological exam kaya hindi na marapat na sumailalim sa panibago.

Hindi po ako sumasang-ayon diyan. Pag-isipan ninyong mabuti.

Ang psychological exam sa driver’s license ay nakatuon sa paggamit ng isang equipment.

Dapat merong kaibang mga exam sa pagdadala ng pa­sahero kasi buhay ang nakasalalay dito. In fact, dapat merong panibagong lisensiya sa pagtatransport sa mga pasahero dahil inilalagay nila sa iyong mga kamay, ipinagkakatiwala nila sa ito ang kanilang buhay at kaligtasan.

Dapat speciali­zation po ‘yan. It’s about time we professionalize this. Ewan ko kung kailangan ng batas dito.

Pero dapat gawin na ito ngayon para mabawasan ang pagbubuwis ng buhay. This requires everything moral in you that you can muster.

In an epidemic of insensitivity, we cannot have businesses who make tons of profit without any accountability.