Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Licensure exam mula Hunyo hanggang Agosto gagawin sa 2021

0 318

Para umano masiguro ang kaligtasan ng mga examinee at kanilang mga personnel, inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na sa 2021 na gagawin ang lahat ng mga licensure examination na naantala mula Hunyo hanggang Agosto 2020.

SM food to go Banner Ad

Kabilang sa mga nilipat na schedule ang exam para sa environmental planners, guidance counselors, interior designers, landscape architects, mining engineers, nutritionists-dietitians, psychologists, psychometricians, social workers, veterinarians, master plumbers, at mechanical engineer.

Nasa website at social media account ng PRC ang mga pagbabago sa schedule.

Leave A Reply

Your email address will not be published.