Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lider ng crime group bulagta sa Laguna

0 261

Patay ang umano’y lider ng isang drug at gun for hire group matapos manlaban sa mga pulis sa sa Siniloan, Laguna noong Linggo ng gabi.

Iba’t ibang tama ng bala sa katawan ang agarang ikinamatay ng suspek na si Renato Baldemora na kilala rin sa mga alyas ‘Mac-mac Punio’ at ‘Jhondi’ na nasa talaan ng regional high value target ng Calabarzon Police.

SM food to go Banner Ad

Ang suspek umano ang leader ng Jhondi Baldemora drug group at Baldemora Gun for Hire group na sangkot sa ibat-ibang krimen sa 4th district ng Laguna.

Batay sa report nangyari ang engkwentro sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Laguna PNP at Siniloan police sa Brgy. Acevida, Siniloan alas 9:00 ng gabi mataposa makabili ng halang P5,000.00 shabu ang isa sa mga operatiba.

Nagawa namang makatakas ng isa pa sa mga suspek na si Abdulkader Cali sakay ng kotse. Narekober mula sa napatay na suspek ang isang kalibre .45 baril. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.