Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lider ng Dawlah Islamiya tinuluyan ng militar

0 48

Patay ang umano’y lider ng Dawlah Islamiya (DI) habang arestado ang dalawang kasama niya sa na­ganap na engkuwentro sa Brgy. Nabundas sa Shariff Saydona Mustapah, Maguindanao, ayon sa Philippine Army kahapon.

Kinilala ni Lt. Col. Benjamin Cadiente ng 33rd Infan­try Battalion ng PA ang napatay na DI lider na si alyas ‘Tong Bomber’, isang bomb expert, na siya umanong responsable sa ilang pag-atake sa mga convoy ng mili­tar at mahahalagang installations sa lalawigan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, naaresto ang dalawang kasamahan ni­yang sina Nondo Sangalan, at Tong Sangalan, pawang mga miyembro ng DI.

Sa ulat na inilabas ng Philippine Army kahapon, naganap ang engkuwentro, alas-7:00 ng umaga ni­tong Sabado sa Brgy. Nabundas kung saan sinasabing nagkaroon nang ilang minutong palitan ng putok bago nasawi ang lider. Kusang-loob umanong sumuko ang dalawa pagkatapos. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.