Abante Tonite Interactive

Lider ng drug gang sa China nadakma sa Pampanga

190

Nadakma ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT), ang isang dayuhang pugante na nahaharap sa kasong pagbibenta ng illegal drugs sa kanyang bansa.

Iprinisinta ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ang suspek na si Wang Janquiang, 40, tubong China.

Ayon kay Police Maj. Rosalino Ibay Jr., ang suspek ay naaresto noong Biyernes sa isang operasyon sa Clark, Pampanga.

Sinabi ni Ibay na ang suspek ay lider umano ng isang sindikato sa Quanzhou City, China. (Juliet de Loza-Cudia)