Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lider ng drug group, 3 pa minasaker

0 63

Patay ang apat na lalaki kabilang ang isang umano’y lider ng drug group matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang nasa loob ng auto shop sa Barangay San Vicente, Biñan City Linggo ng maghahatinggabi.

Kinilala ang nasawing sina James Anthony Alonalon, 40, ang magkapatid na sina Carlo Tanael at Custer Tanael at si Jason Mangahis Ong, 43, mga taga-Sta Rosa City.

Sa report ng Binan City police, nasa loob ng Creative Design Tarpauline and Auto Shop na pag-aari ni Alonalon, ang apat nang dumating ang nasa 8 armadong kalalakihan at pagbabarilin ang mga ito bago mabilis na nagpulasan.

Ayon sa pulisya, si Alonalon ay lider ng Alonalon drug group na nag-ooperate sa Biñan City at mga karatig lungsod. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.