Abante Tonite Interactive

Lider ng hired killers timbog sa Maguindanao

By
803

Nalambat ng pulisya ang lider ng diumano’y grupo ng mga gun-for-hire matapos ang mahabang intelligence operation sa bayan ng Sultan Kudarat sa magulong lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Mokamad Bater, na may patong-patong na kasong pagpatay sa lalawigan.

Nabasyo ito bago mag-hatinggabi nitong Huwebes, sa kanyang hideout sa Brgy. Senditan.

Matagal na umanong pinaghahanap ng mga awtoridad si Bater at dahil sa maingat na operasyong ikinasa ng pulisya sa bayan at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay tagumpay na nadakip ito.

Iniimbestigahan pa ng CIDG si Bater upang mabatid kung ano-ano pang kaso ang kinasasangkutan nito at kung sino-sino ang mga kasamahan at umuupa sa kanila upang pumatay.