Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lider ng Montilla robbery group, timbog

0 56

Arestado ng mga elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang pinaghihinalaang lider ng Montilla criminal group, isang robbery group na nag-ooperate sa Manila Bay sa isang operasyon kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila.

Kinilala ng PCG ang suspek na si Mark Montilla alyas Mac-mac, 32, na naaresto alas-7:39 ng gabi sa may Baseco Compound.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng http://www.rustburgpharmacy.com warrant of arrest inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 44.

“Montilla revealed that various stolen items, such as welding machines and ropes, from the victims’ vessels, are being kept by their cohorts, identified as Randy and Ruel,” ayon sa PCG.

Binibiktima umano ng Montilla criminal group ang mga barko na nakadaong sa Manila Bay anchorage area.

Ikinasa ng PCG at PNP ang pag-aresto matapos na makatanggap ng tip sa kinaroroonan ni Montilla.

Patuloy namang pinaghahanap ang mga kasabwat nito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.