Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lider ng NPA todas sa bakbakan

0 266

Dedbol ang sinasabing pangalawa sa pinakamataas na commander ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao kasama ang isa pang tauhan matapos ang naganap na engkuwentro kontra mga sundalo sa Bukidnon, ayon sa ulat ng Philippine Army nitong Martes.

Sa ulat na ipinadala ni EastMinCom Commander Lt. Gen. Greg Almerol, napatay ng pinagsanib na puwersa ng mga sundalo at mga pulis si Pedro Codaste alyas Gonyong, 2nd top ranking NPA commander sa Mindanao, gayundin si alyas Zandro.

Sa naantalang ulat ng EastMinCom, naganap ang may 30 minutong engkuwentro nitong Biyernes sa Brgy. Kalabugao, Impasug-ong, Bukidnon, kung saan nagsagupa ang tinatayang 15 miyembro ng NPA na armado ng malalakas na armas at awtoridad matapos na makatanggap ng intelligence report ang militar hinggil sa presensya ng mga rebelde sa lugar.

SM food to go Banner Ad

Matapos ang labanan ay naiwang bangkay sina Codaste at Zandro, habang narekober ng awtoridad sa lugar ng engkuwentro ang isang AK-47 rifle at isang kalibre .45 baril, gayundin ang mga anti-personnel mine at mga subersibong dokumento ng Samahan.

Base pa sa ulat, si Codaste ay acting chairman ng NPA Komisyun Mindanao matapos ang pagkamatay nina Antonio Cabanatan, Jorge Madlos, at Menandro Villanueva.

Miyembro din umano si Codaste ng CPP Central Committee at naging NDF consultant. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.