Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lider ng robbery group timbuwang sa engkwentro

0 52

Patay ang lider ng isang robbery hold-up group matapos na makipagpalitan ng putok sa mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Sapalay, Negros Occidental.

Kinilala ni CIDG Director Police Brig Gen Ignatius Ferro, ang napatay na suspek na si Eddire Epogon, lider ng Epogon Robbery and Hold-up Group at number 6 Regional Priority High-Value Individual (HVI) sa Region 6.

Sa ulat na isinumite ng PNP-CIDG kahapon, naganap ang operasyon alas-tres Sabado ng madaling-araw sa Sitio Manluy-a, Brgy. San Jose.

SM food to go Banner Ad

Isisilbi ng Negros Occidental CIDG ang tatlong warrant of arrest laban sa suspek sa mga kasong Robbery with Homicide at violations of RA 9516 o Illegal Possession of Explosiveso at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law.

Subalit imbes na sumuko ng matiwasay ay nanlaban ang suspek at pinaputukan ang mga aarestong pulisya dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober sa suspek ang isang kalibre .45 baril at granada. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.