Abante Tonite Interactive

Lider ng sindikato dedo sa Zambales, 2 kasabwat arestado

By
0 149

Napatay ang isang lider umano ng sindikato ng iligal na droga sa lalawigan ng Zambales nang makaengkuwentro ng pulisya na magsisilbi sana ng search warrant sa Brgy. Calapacuan.

Ayon kay S/Supt. Felix Verbo Jr., chief ng Zambales Provincial Police Office, nasawi si Ali Nali na sinasabing lider ng Karansang Drug Group.

Arestado naman ang dalawa nitong kasamahan na sina Aiza Sally, 28, at Rolando Delos Santos, 39, sa parehong operasyon ng pulisya. Nasamsam sa dalawa ang dalawang granada, pitong plastic sachet ng shabu, isang shotgun, drug paraphernalia at perang P14,000.

Abante Hiring – IT dep

Dalawang buwan na umanong minatyagan ng pulisya si Nali at mga kasamahan nito dahil sa impormasyong nakuha na may kaugnayan ito sa pagbebenta ng iligal na droga sa nasabing probinsya.

Nabatid na noong 2012 ay nakatakas si Nali sa isinagawang raid sa kanyang bahay makaraang i-hostage ang tatlong pamangkin at hagisan ng granda ang mga pulis.

Anim na pulis ang nasugatan sa naturang insidente.