Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liderato ng ASEAN sports ipinasa sa Singapore

0 275

Muling ipinangako ng Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang buong pagsuporta at pakikiisa sa paglipat sa chairmanship ng ASEAN Senior Officials Meeting on Sports (SOMS).

“Together, we continued with our endeavors, all for the betterment of sports and well-being of ASEAN community,” sabi ni outgoing SOMS chairperson at Philippine Sports Commission (PSC) Deputy Executive Director Merlita Ibay nitong Huwebes via zoom video conferencing.

Nakumpleto ng bansa bilang tagapangulo ng ASEAN (SOMS) ang buong sirkulo matapos manguna sa mga ASEAN delegatenoong 2019 sa SOMS-9 at SOMS-10.

SM food to go Banner Ad

Inilipat ni Ibay ang chairmanship patungong Singapore para kay Ministry of Culture, Community and Youth permanent secretary Tan Gee Keow .

Sa pamamagitan din ng sports agency, nangako ang bansa sa patuloy na pagbahagi sa mga layunin ng ASEAN para sa pagtaguyod sa sports at pagtutulungan sa mga bansa sa rehiyon lalo na sa panahon ng Covid-19.

“When the chairmanship of SOMS was handed over to the Philippines, I requested your support to ensure that the activities under our term be successful. My warmest thanks to all of you, as you never failed us,” panapos na poahayag ni ibay. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.