Abante Tonite Interactive

Liderato ni Sotto malabong mapalitan – Lacson

0 317

Kumpiyansa si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na matatag ang liderato ni Senador Vicente ‘Tito’ Sotto at malabo itong mapalitan bilang Senate President.

Ito’y bunsod na rin sa naging pahayag ni Senador Cynthia Villar na hindi ito interesado sa pagi­ging lider ng Mataas na Kapulungan.

“Sen. Villar already stated that she’s not inte­rested in the Senate presidency and we must leave it at that. SP Sotto’s presidency is stable as he has shown very good leadership qualities, having consistently taken the cudgels for the senators both from the majority and minority on many occasions,” saad ni Lacson.

“How he dealt with the 2109 national budget is a fine example of his grit and guts in handling such difficult situations,” dagdag nito.

Samantala, iginiit ni Lacson na ilang beses nang napatunayan ng Senado ang kanilang pagiging independent kahit ilan pa ang miyembro nito na dikit sa Malakanyang. (Dang Samson-Garcia)