Abante Tonite Interactive

Lie, Yamyam, Ashley, Kiara mga batch winner ng ‘PBB Otso’

336

Tuloy ang laban nina Lie Reposposa, Yamyam Gucong, Ashley Del Mundo, at Kiara Takahashi hanggang dulo dahil sila ang idineklarang “batch winners” ng kani-kanilang batch sa “PBB Otso” noong Sabado (Hulyo 13).

Ang apat ang nakakuha ng pinakamataas na boto mula sa taumbayan at sigurado na ang puwesto sa paparating na big night na magaganap ngayong Agosto 3 at 4 (Sabado at Linggo).

Sa Batch 1, nakamit ni Lie ang 37.48% ng total public votes, samantalang nakuha naman ni Yamyam sa Batch 2 ang 52.9% nito. Gaya nila, nanguna rin si Ashley na nakakuha ng 63.38% total public votes sa Batch 3 at si Kiara na nakakuha naman ng 50.24% ng total public votes sa Batch 4.

Abante Hiring – IT dep

Bukod naman sa puwesto sa Big Night, nag-uwi rin sila ng P100,000 bilang premyo.

Samantala, isang malaking anunsyo ang ibinigay ni Kuya: Sa halip na apat, walong housemates ang tutuntong sa Big Night.

Napunan na nga ng batch winners ang unang apat na puwesto, at maaari namang paglabanan ng iba pang housemates ang natitira pang apat sa magaganap na “Pinoy Big Batch-Bakan.”

Sino nga kaya sa housemates ang makakatuntong sa Big Night?

Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” (RFC)