Abante Tonite Interactive

LIEZEL nakakagigil ang alindog

1,182

Mapang-akit ang tindig ni Liezel Lopez sa isa sa kanyang Instagram post. May ipagmamalaki naman kasing ganda at kaseksihan ang 21-year-old na dalagang tubong-Zambales.

Higit na pamatay ang kanyang porma kapag nakasuot ng two piece bikini. Nakatayo man o nakahiga si Liezel sa kanyang bikini body, siguradong walang kalahi ni Adan ang hindi manggigigil sa kanyang alindog.

Si Liezel ay produkto ng “StarStruck 6” at nakuha ang pinaka-aasam na pangarap na makapasok sa showbiz noong 2016 nang maging bahagi ng sikat na reality show ng Kapuso Network. Mula rito ay pinapirma siya ng kontrata ng GMA Artists Center.

Taong 2016 din nang una siyang nabigyan ng pagkakataon na mapasali sa cast ng isang TV series via GMA-7’s “Magkaibang Mundo.” Mula rito ay napanood din si Liezel sa “Bubble Gang”, “Alyas Robin Hood”, “Tsuperhero”, “Super Ma’am”, “Onanay”, at iba pa.

Hilig talaga niya ang showbiz kaya bata pa lang ay sumabak na si Liezel sa pagiging theater actress at model sa kanyang hometown.

Sa ngayon ay napapanood si Liezel sa Barbie Forteza at Mika dela Cruz starrer na “Kara Mia” bilang si Ellie Garcia.

Anyway, back to Liezel’s kaseksihan, tiyak na maninigas ang panga ng mga kalalakihan at mapapanganga sa makurbang hubog ng katawan ng Kapuso aktres. Sa taglay niyang katakam-takam na kariktan, malamang sa hindi, ang mga barakong nag-i-imagine sa kanyang hotness ay maging laman ng kanilang naughty dreams ang dalaga. (Nonie Nicasio)