Abante Tonite Interactive

Liezel nakakagigil sa kaseksihan

0 372

Umaapaw ang matinding sex appeal ng Kapuso actress na si Liezel Lopez. Ito ang bubulaga sa latest Instagram post ng dalaga habang suot ang kanyang super seksing swimsuit.

Dito’y makikitang nakasandal siya sa isang troso sa tabing-dagat sa may mga batuhan, nakaunat ang katakam-takam niyang legs, naka-arko ang likod, nakataas ang dalawang kamay, at nakapikit.

Pero ang isa sa kapansin-pansin talaga kay Liezel ay ang wow na wow na katawan niya sa kanyang nakagigigil na suot na two piece bikini.

Kakaiba ang arrive ng aktres at may taglay siyang ‘it’ factor na hinahanap ng mga kalalakihan. Bukod sa maganda, napakaputi, napakakinis, at napaka-flawless ng kabuuan ni Liezel.

Kaya naman makikita na very confident siyang irampa sa madlang pipol ang kanyang katawan sa halos kakarampot na suot na saplot.

Sadyang bibilis ang tibok ng puso ng sinumang barako na makakakita sa kariktan ni Liezel. Nakapaglalaway kasi ang kanyang awra at walang lalaking hindi mauuhaw sa masabaw na alindog ng dalaga. (Nonie Nicasio)