Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Liezel pakabog ang dibdib

0 822

NI: NONIE NICASIO

Umaapaw sa kaseksihan ang mabibistahan sa Instagram post ni Liezel Lopez.

Kabogera ang tindig dito ng Kapuso actress, kaya tiyak na fiesta na naman ang mga mata ng maraming boys. Pampataas ng blood pressure sa mga kalalakihan ang porma ni Liezel sa suot niyang sexy one piece swimsuit.

Katakam-takam ang kurbada ng kanyang katawan, samantalang nakapaglalaway naman ang sexy legs ng dalaga. Pakabog din ang kanyang side boob.

SM food to go Banner Ad

Kahit patagilid lang ang pasilip ng dalaga, solb ang mga barako sa kanya..

Animo ipini-flex niya ang kanyang alindog habang nagchi-chilax sa beach. Maraming binulaga si Liezel sa taglay niyang hotness, na ultimo BF niyang si Kristoffer Martin ay nag-react ng ‘Haaay’.

Tunay na sagana sa sex appeal ang dalaga. Siya ang tipo ng babaeng type na type pagmasdan ng maraming barako at walang hot blooded male ang magsasawa sa kanyang taglay na beauty at karisma.

Ang tulad niya ay isang babaeng pangarap ng maraming hombre. Nakakabaliw ang alindog niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.