Abante Tonite Interactive

Life style DO’s and DON’Ts ng isang commuter

By
44

Karamihan sa ating mga Pilipino ay public transportation commuter sa kadahilanang wala tayong sariling sasakyan.

Ang pag-commute sa pamamagitan ng public transpo ay nakakadagdag stress. Mas mainam na malaman natin ang mga dapat at ‘di dapat gawin sa pag-commute gamit ang public transpo upang ‘di tayo makaapekto sa ibang tao. Narito ang ilang DO’s and DON’Ts ng public transpo commuter.

DO’s:

*Maging sensitibo sa nararamdaman ng kapwa pasahero.

*Ugaliing maghanda lagi ng barya at magbayad ng sakto upang hindi na problemahin ang sukli sa bus o jeep.

*Mag-adjust at ayusin ang pagkakaupo upang komportableng makaupo ang iba.

*Siyasatin ang paligid kung may nakatayong babae, buntis o mas nakakatanda at magpaubaya ng upuan para sa kanila.

*Maging pino ang galaw kung ikaw ay nasa MRT/LRT o bus upang hindi makasakit at makapinsala ng iba.

*Maging alerto at laging i-check ang bulsa at laman ng bag upang makita kung kumpleto pa ang gamit dahil sa talamak na pandurukot sa public transportation.

*Maglagay ng extra na pera sa bulsa, mejas o sapatos in case of emergency.

DON’T’s:

*Huwag magsuklay ng buhok lalo na kung basa upang hindi matalsikan ang kapwa pasahero sa siksikang pampasaherong bus, jeep o tren.

*Huwag mag-spray ng pabango o cologne dahil hindi tayo sigurado kung ang ibang pasahero ay allergic sa amoy ng pabango.

*Iwasang makipag-usap nang malakas ang boses sa kasama dahil ang ibang pasahero ay natutulog para may lakas sa pagpasok sa eskwela o opisina.

*Huwag matulog nang malalim dahil baka masandalan ang katabi o lumagpas sa paroroonan at dumoble ang pamasahe.

*Hangga’t maaari ay ‘wag ipangalandakan ang gadget habang nasa byahe maliban na lang kung ito ay emergency dahil nakakapukaw ito ng atensyon sa mandurukot.

*Huwag tumitig sa iba. Maaaring ikapahamak at mapagkamalang ikaw ay may masamang balak.

Laging tandaan ang DO’s and DON’Ts ng public transpo commuter para iwas hassle, problema at manatiling safe sa byahe!