Abante Tonite Interactive

Lifesavers isasalba pa nina Araneta, Orendain

0 172

STANDINGS TEAMS
W L
F2 Logistics 6 0
Petron 5 1
Generika-Ayala 4 2
Foton 4 3
Cignal 2 4
PLDT Home Fibr 2 4
Sta. Lucia 1 5
Marinerang
Pilipina 0 5
Mga laro ngayon:
(Muntinlupa City Sports Center)
4:15pm — Marinerang Pilipina vs F2 Logistics
7:00pm — Generika-Ayala vs PLDT Home Fibr

Kalibre nina Angeli Araneta, Patty Orendain at Fiola Ceballos ang sasandalan ng Generika-Ayala para makabangon agad mula sa pagkakadapa pagharap sa PLDT Home Fibr ngayong Huwebes sa 7th Philippine Superliga 2019 All-Filipino Conference preliminaries sa Muntinlupa City Sports Center.

Misyon ng tatlo at mga kasama na mahambalos ang panlimang panalo sa pampitong sabak at kapitan ng Lifesavers ang third spot makaraang humandusay sa two-time defending champion Petron.

Inaasahang dadaan sa butas ng karayom sa alas-7 ng gabing hangarin ang Generika-Ayala laban sa Power Hitters na galing din sa talo, at pagbuwelta rin ang sigaw.

Ipantatapat ng running-sixth PLDT (2-4) sina former NCAA Most Valuable Player Grethcel Soltones, Aiko Urdas at Jasmine Nabor.

Sa unang sultada sa alas-4:15 nang hapon, patok ang league-leading F2 Logistics (6-0) laban sa winless pa sa six matches na Marinerang Pilipina.(Elech Dawa)