Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lifter Guion humabol sa Tokyo Paralympics

0 31

AAKSIYON sa darating na Tokyo Paralympics sa susunod na buwan si Pinay para powerlifter Achelle Guion, anunsiyo ng Philippine Sports Commission nitong Miyerkoles.

Ito ang ikalawang beses na irerepresenta ni Guion ang bansa sa Summer Paralympics, una noong 2012 London Paralympics.

SM food to go Banner Ad

Magugunita na komopo ng silver medal si Guion sa 2014 Asian Para Games sa Incheon, South Korea at sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia sa parehas na 45kgs division.

Si Guion ang ika-anim na pambato ng bansa sa Tokyo Paralympics kasama sina Jerrold Mangliwan (para athletics), Jeanette Aceveda (para athletics), Ernie Gawilan (swimming) at Gary Bejino (para swimming) at Allain Ganapin (para athletics). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.