Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lighter nawala, katoma tinigok

0 1,153

Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang katrabaho nang magtalo sa nawawalang lighter habang nag-iinuman kahapon ng madaling araw sa Puerto Princesa City, Palawan.

Naisugod pa sa pinakamalapit na pagamutan si Ronel Macemap, 23, subalit nasawi din dahil sa tinamong saksak sa dibdib. Naaresto naman si Roy Laspinas, 21. Ang dalawa ay magkasama sa isang construction site sa Barangay San Pedro ng nasabing lugar.

Naganap ang insidente alas-12:15 ng madaling araw habang kainuman ang ilan pang trabahador.

SM food to go Banner Ad

Nauna dito ay humiram ang biktima ng lighter sa suspek. Nang kukunin na ng suspek, wala na itong maibigay dahil lasing na at hindi alam kung saan na nailagay.

Nagtalo ang dalawa dahil may sentimental value umano ang nasabaing lighter hanggang sa sakyurin na ang biktima. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.