Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ligtas na 2022

0 237

Manigong Bagong Taon! Nawa ay naging mapayapa, masaya at ligtas ang inyong pagsalubong sa 2022.

Bukod sa naging pag-iingat natin para walang masaktan o mapahamak sa Bagong Taon, patuloy rin ang hamon ng COVID-19 at paano matiwasay at ligtas na haharapin ang 2022.

Sa Taguig, strikto ang naging pagpapatupad ng mga panuntunan para maging ligtas at maayos ang holiday season sa lungsod.

Matapos ang holidays, nakita ng mga eksperto ang pagtaas ng mga kaso lalo na dahil ang Omicron variant ng COVID-19 ay may local transmission na sa ating bansa. Marami na ring tao ngayon ang nakakalabas.

Kaya napagdesisyunan ng IATF na muling isailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 mula January 3 hanggang January 15. Ibig sabihin nito ay mas strikto ang restrictions at mas mahigpit lalo ang pagpapatupad ng health at safety protocols.

Mahalaga ang panahong ito para pababain ang mga kaso at doblehin ang pag-iingat natin, para hindi na rin tayo bumalik sa pagsasara ng industriya at paghihigpit muli sa lockdowns.

Ang lokal na pamahalaan ng Taguig ay walang tigil sa paalala sa Taguigeños sa pagbabakuna at pagsunod sa health at safety protocols tulad ng pagsusuot lagi ng face mask, physical distancing at pag-iwas sa mataong lugar.

Strikto at agresibo rin ang panawagan ng pamahalaang lungsod sa lahat na dalhin ang kanilang vaccination card saan man magpunta dahil kailangan itong masusing ma-check sa mga establisyementong kanilang papasukan, lalo sa mga kainan at mga lugar kung saan hindi maiiwasan ang pagtatanggal ng mask.

Napakahalaga rin na tayo ay kumuha ng booster shots kung fully vaccinated na, lalo na laban sa Omicron variant na mas nakakahawa.

Isa pang dapat tandaan ay ang mga tamang hakbang sa quarantine. Sa Taguig ay may designated quarantine facilities na malinis, komportable at kumpleto ang pasilidad at iba pang amenities para sa COVID-19 positive individuals at maging para sa returning OFWs.

Mahalaga na tayo ay responsable at disiplinado sa pagsunod sa mga protocols. Kapag hindi tayo nag-ingat, nilalagay natin sa panganib na magkasakit ang mga mahal natin sa buhay at mga tao sa paligid natin, lalo na ang vulnerable sector.

Masanay na tayo sa paglaban sa COVID-19. Ginagawa ng mga eksperto ang kanilang trabaho para labanan ang virus. Tayong mga mamamayan ay may malaking gampanin din para maging matagumpay ang laban na ito.

Nalagpasan na natin ang surge o biglang pagtaas ng mga kaso na bunga ng ibang variants. Kailangan lang natin huwag maging kampante at tandaan ang mga nakagawian, katulad ng kung may sintomas ay agad magpa-test, mag-isolate at huwag lumabas o gumala.

Puno pa rin tayo ng pag-asa ngayong 2022. Kaya nating malagpasan ang hamon ng COVID-19 sa patuloy na pagbabayanihan, pagtutulungan at pagiging responsableng mamamayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.