Abante Tonite Interactive

Lihim ang relasyon Sikat na aktor, aktres buking ang ‘pugad’ sa QC

1,955

Mildred Bacud

Naloka kami sa kuwento ng aming reliable source tungkol sa sikat na aktor at aktres. May lihim pala silang relasyon. Pareho kasi sila na may kanya-kanya ng karelasyon.

Kontrobersyal pa nga si aktor dahil hindi pa nito inaamin ang relasyon sa isa pang aktres na bigla na lamang naglaho.

So nahuhumaling daw si aktor kay aktres A na lihim na jowa niya. Ayon mismo sa malalapit kay aktres A, may love nest daw sila ng aktor na isang condo sa Quezon City. Dito sila naglalagi sa mga panahong wala silang trabaho.

Madalas ay hindi raw sila sabay pumunta rito para hindi makakuha ng atensyon sa mga tao. Pareho kasi silang sikat.

Si aktres A ay may mapang-akit na imahe. Sa ganda niya, sino nga naman ang tatanggi. Na-link na rin siya dati sa isa pang aktor na may asawa.

Ganun na lamang daw ang pagkamartir ni aktres B na totoong karelasyon ni aktor.