Abante Tonite Interactive

Likas na ganda ni Janelle nangibabaw

260

Sa ginanap na Miss Philippines Earth 2019, si Janelle Tee ng Pasig City ang naging reyna ng lahat. Marami ang nadala sa mapang-akit niyang appeal.

Siya ang nangingibaw sa mga kandidata. Ang kanyang ganda, talino, kaseksihan at pagmamahal sa kalikasan ang naghirang sa kanya para maging Miss Philippines Earth 2019.

Bata pa lamang si Janelle ay pinalaki na siya ng kanyang magulang na may disiplina at pagpapahalaga sa kapaligiran. Kaya naman kasama sa kanyang adbokasiya ay ang pag-promote ng eco-tourism ng bansa kasama na ang mga livelihood program na may kaugnayan sa kalikasan.

Marami ang namangha sa kanyang sagot sa Q&A portion. Ito ay patunay ng kanyang pagmamahal sa kalikasan at sa paglago ng bansa.

Sey niya, “I would choose to give incentives, because as a productive country, we know that we have a lot of communities that truly need help in terms of livelihood projects, which is what I’ve been doing with ABS-CBN Foundation. That’s why I want to choose incentives because we have to teach them how to fish, rather than just give them fish for the day. If you teach them how to fish, then it will be there for living. It will be there sustainable in them. Thank you.” (Ronaline Avecilla)