Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Likas na pasaway motoristang Pinoy

0 137

Matagal nang sinabi ng mga nangangasiwa sa mga tollways sa bansa na umpisa sa Nobyembre 2 ay cashless na ang sistema pagpasok at paglabas sa mga expressways bilang bahagi ng patuloy na pag-iingat laban sa COVID-19.

Kung hindi ako nagkakamali, buwan pa lamang ng Agosto ay mayroon nang pabatid ang mga operator na dapat ay magpakabit na ng RFID stickers ang mga madalas na dumadaan sa mga expressways upang hindi na maabala, at sa pinakamaagang paraan ay maiwasan na ang ‘pakikipagholding hands’s sa mga teller sa toll booths.

Pero talagang maraming sa mga Pinoy ay tropang balewala sa una at kung kailan malapit na ang deadline ay saka naman magsisiksikan gaya ng nangyayari ngayon kaya walang ibang choice ang mga operators kundi mag-extend ng isa pang buwan.

So tuloy-tuloy lang ang pila hanggang sa panibagong deadline na itinakda ng mga operators.

Pero hindi yan ang pangunahing paksa dito sa binabanggit ko sa inyo kundi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga RFID stickers sa NLEX at SLEX.

Magkaiba po kasi ang operator ng dalawang major expressways na ‘yan at hanggang ngayon ay hindi pa nila naaayos ang interconnectivity sa isa’t isa kung kung kaya’t kailangan talagang makabitan ng RFID na tugma sa mga ito ang bawa’t sasakyan.

Isang halimbawa nito ay ang mga motoristang magtutungo sa Baguio City o alinmang bahagi ng Northern Luzon mula Pangasinan hanggang sa kasalukuyang dulo ng expressway na Rosario, La Union.

Sa mga manggagaling ng Maynila na mag-eexit sa Rosario, La Union ay kailangan kasing gamitin ang RFID ng SLEX at NLEX.

Ang para sa NLEX ay magagamit lamang mula Balintawak o Mindanao Avenue entry point hanggang sa Tarlac Exit at pagpasok ng TPLEX dahil ang operator nito ay ang operator din ng SLEX, ang RFID ng SLEX ang kailangang gamitin.
Kaya mahalaga talagang mayroong SLEX at NLEX RFID ang bawat sasakyan.

Huwag na huwag ding makakalimutan na i-tsek ang balanse ng inyong mga RFID cards upang hindi maabala pagpasok sa mga toll booths at hindi makaabala sa mga motoristang nasa likuran ninyo, isipin na kailangan pa ninyong umatras bago makalabas ang susunod kung kulang ang laman ng inyong load.

Maging responsable po tayong motorista sa loob at labas ng expressways.
Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.