Abante Tonite Interactive

Lilipad na ang ekonomiya

630

Tinataya ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na li­lipad na ang ekonomiya ng bansa sa lalong mada­ling panahon, suportado ng mahahalagang repormang panuntunan at malalaking proyektong impraistraktura na aakit ng maraming mamumuhunan sa Pilipinas.

Isang kilalang ekono­mista, sinabi ng mamba­batas na ang inaasa­hang pagsulong pataas ng ekonomiya ay isusulong din ng magkakatugmang mga kaganapan gaya ng paglobo ng ‘gross domestic product’ (GDP) ng bansa at ang pagkakaisa ng ‘infrastructure team’ ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang malikhain mga estratehiya nila.

Ayon kay Salceda, karaniwang sumisipa pataas ang GDP sa pa­ngatlong taon ng admi­nistrasyon gaya ng naganap sa termino nina Pa­ngulong Gloria Arroyo noong 2004 at Pangulong Benigno Aquino III noong 2013 ngunit parehong nauntol kapwa dahil sa pagtitipid dulot ng ‘global financial crisis’ ng kanilang panahon. Nga­yong taon inaasa­hang lolobo sa 9-11% ang GDP, mataas kaysa opisyal na taya dahil sa malalaking impraistraktura. Lahat ito ay nakasaad sa ‘Duterteno­mics’ na binalangkas at isinumiti ni Salceda kay Duterte noong 2016.

Kasama sa mala­laking proyektong nagkakahalaga ng higit P24 trilyon na babandila sa pagsulong ng ekonomiya hanggang 2022 ang mga proyekto ng ‘Build, Build, Build,’ na may laang P8.13 tril­yon; Public-Private Partnership (PPP), P6.40 tril­yon, na ang P750 bilyon ay aprubado na; at Clark Development, P1.40 tril­yon. Matagal nang inire­reklamo  mababang uri ng mga ‘infrastructure’ sa bansa ng mga mamumuhuna