Abante Tonite Interactive

Lillard, Blazers ayaw magbakasyon

381

Ayaw pang magbakasyon ni Damian Lillard.

Tumabo si Lillard ng 32 points, 17 sa third quarter, at nakaiwas sa elimination ang Portland Trail Blazers sa bisa ng 119-108 panalo kontra Denver Nuggets Huwebes ng gabi.

Nakapuwersa ng Game 7 ang Portland sa 73rd NBA 2018-19 Eastern Conference semifinal series, lalaruin ang decider sa Denver sa Lunes (araw sa Manila).
Haharapin ng mananalo ang winner sa series ng Golden State Warriors at Houston Rockets. Abante ang two-time defending champion Warriors 3-2 pagkatapos ng 104-99 win noong Miyerkoles. Game 6 ngayon sa Houstons.

Nagdagdag si CJ McCollum ng 30 points sa Blazers, huling sumampa sa conference finals noong 2000 playoffs. Off the bench na tumikada ng career playoff-high 25 points si Rodney Hood, nasapawan ang kanyang on-court postgame interview ng hiyawan ng “Rodney! Rodney” mula sa fans sa Moda Center.

Laman ng playoffs ang Portland sa 21 sunod na seasons mula 1983-2003. Kasama sina Scottie Pippen at Arvydas Sabonis sa huling Blazers team na bumiyahe sa conference finals, si Mike Dunleavy ang coach. Iniuwi ng Portland ang tanging NBA title noong 1977.

Namuno sa Nuggets ang 29 points at 12 rebounds ni Nikola Jokic, may 24 at 10 si Jamal Murray.

Sa 3-pointer ni Seth Curry ay lumayo ang Portland 101-88, 7:24 pa sa laro. Nagkainitan sa kalagitnaan ng fourth nang matawagan ng offensive foul si Jokic at nagkatulakan ang ilang players. Pagkatapos ng review, binigyan ng technicals sina Will Barton at Torrey Craig ng Denver, at sina Curry at Zach Collins ng Portland.

Pasok ang off-balance jumper ni Lillard 106-93. Dumikit ang Nuggets 113-103 sa 1:04 mark pero fouled out sina Craig at Jokic at kumapit ang Blazers sa panalo.(VE)