Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lillard, McCollum habol ang 8th spot

0 349

Isa ang Portland Trail Blazers sa nakikipag-agawan sa eighth spot ng Western Conference sa NBA restart sa Orlando.

Pagdating sa first round ng playoffs, No. 1 Lakers ang makakatapat ng No. 8.

Kritikal sina Damian Lillard, Jusuf Nurkic at CJ McCollum sa kampanya ng Blazers sa restart. Sa season, 1-2 ang Portland kontra Lakers.

Noong February, pumutok ng 48 points si Lillard sa panalo kay LeBron & Co.

Ang remaining games ng Trail Blazers: Grizzlies, Celtics, Rockets, Nuggets, Clippers, 76ers, Mavericks, Nets. Mahirap din ang mga dadaanan.

Si Zach Collins ang makakatuwang ni Nurkic sa gitna laban kina Dwight Howard at JaVale McGee. Ang backcourt duo nina McCollum at Lillard ang pantapat kina Kentavious Caldwell-Pope at Alex Caruso.

Sigurado lang mangangapa ang Blazers kapag nag-LeBron at Danny Green si coach Frank Vogel. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.