Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lillard, Portland pinaluhod Nets

0 187

IPINAHINGA si Kevin Durant isang gabi matapos umiskor ng 42, si Kyrie Irving ang ibinalik ng Brooklyn sa lineup pero hindi kinaya ng Nets ang angas ni Damian Lillard.

Nagkamada si Lillard ng 32 points, 7 rebounds at 9 assists at pinaluhod ng Portland Trail Blazers ang Nets 129-109 Biyernes ng gabi sa Barclays Center sa New York.

Nilista ni Lillard ang 22 points niya sa second half nang kumalas ang Blazers sa third quarter, pinabuka ang 59-57 edge sa halftime sa 94-81 lead papasok ng fourth.

Nagkasa ng 18-4 run ang Portland sa dulo ng third tampok ang dalawang malayong tres ni Lillard.

May 23 points at 11 rebounds pa si Jusuf Nurkic sa Portland, 19 kay Norman Powell at 15 si Carmelo Anthony off the bench.

Puminta ng 28 points si Irving na limitado sa 33 minutes dahil galing din sa injury. Umayuda ng 16 points si Jeff Green, pinag-start ng Nets sa center si Blake Griffin at nagsumite ng 11 points, 8 rebounds at 4 assists. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.